Tawi-Tawi nanatiling Covid-19 Free

Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng Covid-19 sa buong bansa, nagpapasalamat si BARMM Minister of Health Dr. Safrullah Dipatuan at nanatiling COVID FREE pa rin ang buong probinsya ng Tawi-Tawi.
Pinasalamatan rin ni Minister Dipatuan ang mga inisyatiba ng IPHO Tawi –Tawi maging ng Provincial Government para malabanan ang Corona Virus Disease at naisigurong walang isang residente ang kinapitan ng nasabing karamdaman sa lalawigan.
Sa pinakahuling record ng MOH BARMM, nakapagtala na ito ng 72 na Confirmed Cases sa buong rehiyon, 55 active cases o admitted , 12 ang recovered habang apat na ang namamatay.
Ang lalawigan ng Lanao Del Sur ay may pinakamaraming kaso na may 46, 21 naman sa Maguindanao, 3 sa Basilan, at dalawa sa Sulu.
Kaugnay nito, nagpapasalamat naman si Dr. Dipatuan na kahit paman halos 3 buwan na ang paglaban ng buong bansa laban sa Covid-19, lahat ng mga frontliners at health workers sa rehiyon ay nanatiling malakas at hindi naapektuhan ng karamdaman.
Tawi Tawi Island Travellers Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments