Sa oras na maging ligtas ang lugar agad mag sasagawa ng pag aaral ang bfar sa pinsala sa yamang tubig sa Taal lake.
Base sa tala ng BFAR nasa 15k tonelada ng ibat ibang uri ng isda tulad ng tilapia at tawilis ang nanganganib dahil sa mainit na temperatura at presensta ng sulfur sa tubig dahil sa pag aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Nazario Briguera Chief Informartion and Fisherfolk Coordination Unit sa Pilipinas lang may tawilis at ito ay matatagpuan lamang sa Taal lake.
Ito ay isang uri ng maliit na isda lahi ng sardinas pero ang kakaiba sa fresh water ito nabubuhay.
Pangamba ng ilan na baka mabura sa mundo ang lahi ng tawilis dahil pag aalburuto ng Bulkang Taal.
Sa ngayon hindi pa nakikita ang extinction pero ang masasabi ni briguera posibleng may epekto ito sa pinangangambahang pag kaubos ng tawilis.
Ayon naman kay BFAR Calabarzon Rd Sammy Malvas. May kakayanan ang mga isda doon na mag adjust sa pabago bagong temperatura pero iba na ang uspan kapag volcanic eruption.