Tax credit certificates, isasapubliko na ang pagbibigay ng award – BOC

Manila, Philippines – Ibinida ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña na para matugunan ang transparency sa pagrerelease ng Tax Credit Certificatesng Tax Refund ay isasapubliko na nito ang pagbibigay ng award.

Ayon kay Lapeña upang malaman ng publiko na walang tinatago ang BOC personal mismo nito iaaward ang TTC sa publiko para ipabatid sa lahat na wala umanong monetary consideration sa naturang hakbang at naibibigay sa tamang tatanggap nito.

Paliwanag ni Lapeña, pinapayagan sa ilalim ng National Internal Revenue Code of 1997 Section 112 ang Tax Refund ng Tax Credit Certificate kung saan personal nitong iniabot ang mahigit mahigit 35 libong pisong Tax Credit sa SL Aboitiz Power at AP Renewables Inc. at mahigit 5 milyong piso mula Jan hanggang hunyo 2015 Input Tax Refund.


Matatandaan na naungkat ang usapin ng Tax Credit Certificates matapos matalakay sa pagdinig sa Senado noong nakaraang Oktubre 4 kaugnay sa TCC na sinasabing pondo para sa “Pasalubong” sa bagong Commissioner.

Giit ni Lapeña na nakatanggap siya ng impormasyon na ilang porsyento ng Tax Credit Certificate ay napupunta lamang sa “Pasalubong” at ang iba umano ay inaantala ang pagrelease na clearance ng shipment upang humingi ng lagay.

Wala umanong dahilan para maantala ang mga kargamento na ang pag-aantala ay ugat umano ng kurapsyon.

Facebook Comments