Tinapay na may toppings na ginto – nagbabalik sa menu ng sikat na hotel sa New York

New York – Nagbabalik sa menu ng isang sikat na hotel sa New York ang kanilang most famous limited-time menu items na gold-topped bagel.

Kasunod na rin ito ng request ng kanilang mga guest.

Nagkakahalaga ng isang-libong dolyar o katumbas ng mahigit 50-libong piso ang kada piraso ng bagel (donut)!


Ang nasabing tinapay ay literal na may toppings na ginto, ang pinakamahal sa kanilang menu na sinundan ng alba white truffle cream cheese.

Kasama na raw sa napakamahal na bayad para rito ang tax at tip sa waiter.

Available lang ang gold-topped baget mula November 1 hanggang December 15.

Facebook Comments