Thursday, November 12, 2026

Tax deadline ng mga taxpayer sa NCR, pinalawig ng BIR dahil sa ASEAN Summit

Pinalawig hanggang sa November 19 ng Bureau of Internal Revenue o BIR, ang dapat sana’y November 16 hanggang November 18 na deadline sa paghahain ng Tax Returns at pagbabayad ng buwis para sa mga taxpayer sa National Capital Region o NCR.

Alinsunod ito sa Proclamation No. 1447 na nagdedeklara sa November 16 hanggang November 18 bilang Special Non-Working Days sa NCR. para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.

Sakop ng nasabing extension ang mga taxpayer sa ilalim ng Revenue District Offices at Large Taxpayer Divisions.

Maliban dito, pinalawig din ng BIR hanggang November 13 ang ilang tax filing at payment deadlines nationwide sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular No. 118-2026, dahil pansamantalang hindi available ang eBIRForms Offline Package dahil sa system maintance.

Facebook Comments