Thursday, November 12, 2026

Corporate file ng GenCorp, kinwestyon dahil tadtad ng sablay ayon sa isang senador

Pinuna ni Senator-judge Joel Villanueva ang kredibilidad ng mga corporate filing ng GenCorp Industries Incorporated.

Sa paglilitis ay idiniin ni Villanueva na hindi mapagkakatiwalaan ang mga dokumento ng GenCorp Industries Inc. dahil tadtad ito ng mga sablay impormasyon kaya hirap ding paniwalaan ang listahan nila ng mga stockholders.

Tinanong ng senator-judge kung sang-ayon ba rito ang testigo na si GenCorp Corporate Counsel Atty. Suzette Balucanag-Punay at sumangayon naman siya.

Agad itong sinundan ni Villanueva ng tanong kung posible rin bang mali ang listahan ng mga stockholders.

Patuloy na nanindigan si Balucanag-Punay na sigurado siya sa listahan ng mga stockholders ng GenCorp pero hindi kumbinsido rito si Villanueva.

Samantala, ngayong Day 43 ng impeachment trial ni VP Duterte, haharap mamaya ang apat na testigo kabilang ang isang bank official mula sa BPI kung saan lumutang ang isyu ng pagtatago ng pera ng bise sa pamamagitan ng manager’s check.

Facebook Comments