TAX ENFORCEMENT EFFORT | Nationwide investigation sa isinumiteng income tax returns, sisimulan na ng BIR sa katapusan ng buwan

Manila, Philippines – Sisimulan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa katapusan ng Mayo ang nationwide investigation ng 2017 Income Tax Returns (ITR).

Bahagi ito ng tax enforcement effort ng ahensya para makamit ang 2 trillion pesos na collection target para sa taong 2018.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa, kokolektahin nila ang deficiency taxes at magsasampa ng tax evasion cases laban sa mga nameke ng kanilang returms.


Dapat aniyang tama ang idinideklarang income at bayaran ang mga naangkop na buwis para maiwasang patawan ng multa at kasuhan.

Facebook Comments