Tax evasion case laban kay Richard Gutierrez, ipinababasura ng aktor sa DOJ

Manila, Philippines – Ipinababasura ng aktor na si Richard Gutierrez Sa Department of Justice (DOJ) ang isinampang tax evasion case laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Kaugnay ito sa umano’y pamemeke ni Gutierrez ng mga dokumento at pagsisinungaling sa kanyang affidavit tungkol sa hindi niya nabayarang P38.57 million na buwis.

Personal na nagsumite ng kanyang counter affidavit ang aktor kay Assistant State Prosecutor Christine Perolino.


Depensa ni Gutierrez, ang kanyang accountant na si Teresita Dabu-Lapid ang nag-file ng buwis para sa kanyang kumpanyang R Gutz Production Corporation.

Sa October 18, itinakda ang pagdinig para sa tugon ng BIR sa depensa ng aktor.

Facebook Comments