TAX EVASION CASE | Rappler, kinasuhan ng DOJ

Manila, Philippines – Kinasuhan ng BIR sa Department of Justice (DOJ) ng tax evasion ang Rappler Holdings Corporation o RHC.

Kabilang din sa kinasuhan sina Rappler President Maria Ressa at Treasurer na si James Bitanga.

Umaabot sa 133.8-million pesos ang tax liability na hinahabol ng gobyerno sa Rappler para sa taong 2015.


Ayon sa BIR, hindi nagbayad ang RHC ng Income Tax and Value Added Tax nang bumili ito ng common shares mula sa Rappler Incorporated na umaabot sa 19.2-million pesos.

Nag-isyu rin anila at nagbenta ang RHC ng Philippine Depository Receipts sa dalawang foreign juridical entities na may total consideration na 181.6-million pesos.

Ang RHC na isang domestic corporation ay may primary purpose na pag-buy and seal ng real at personal properties kabilang na ang shares ng capital stock, bonds, debentures, promissory notes at iba pang securities at obligations.

Kinasuhan din ng paglabag sa Section 257(A)(2) ng Tax Code ang Certified Public Accountant na si Noel Baladiang ng R.G. Manabat and Company dahil sa pagpirma at pag-certify sa financial statements ng Rappler Holdings Corporation sa kabila ng omission at misstatement sa tunay na taxable income ng kliyente nito.

Facebook Comments