Manila, Philippines – Nakatakdang tapusin sa susunod na buwan ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation hinggil sa 133 million pesos tax evasion complaint laban sa online news site na Rappler.
Ayon kay Assistant State Prosecutor Zenamar Machacon-Caparros, ang mga respondents ay binibigyan hanggang June 6 para maghain ng kanilang rejoinder.
Kapag naipasa na ang mga rejoinder, magiging submitted for resolution na ang kaso.
Ang preliminary investigation ay kaugnay ng reklamong isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban Rappler Holdings Corporation (RHC) maging sa mga opisyal nito na sina editor in chief Maria Ressa at treasurer James Bitanga.
Facebook Comments