Manila, Philippines – Patuloy na nagtitiwala si Pangulong Rodrigo Duterte kay Bureau of Customs (BOC) Chief Isidro Lapeña at sa kanyang hinalinhan na si Nicanor Faeldon.
Iginiit ni Duterte na hindi mga tiwali sina Lapeña at Faeldon.
Dagdag pa ng Pangulo, matagal niyang naging chief of police sa Davao City si Lapeña.
Maaasahan naman si Faeldon lalo at nabisto nito ang tax fraud ng tobacco company na Mighty Corporation.
Matatandaang nagbitiw bilang customs chief si Faeldon noong August 2017 sa gitna ng kontrobersyal na shabu shipment na lumusot sa customs.
Pinalitan si Faeldon ni Lapeña na dating pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Facebook Comments