Tax free importation ng mga pinoy goods, posibleng maapektuhan kapag nagpatuloy ang EJK sa Pilipinas

Manila, Philippines – Posibleng maapektuhan ang tax free ng mga produktong pinoy sa European Union countries kung magpapatuloy pa rin ang mga pagpatay sa Pilipinas.

Giit ni Giacomo Filibeck, Party of European Socialist Deputy Secretary General, posibleng maapektuhan ang Generalize Key Preferences Status o GSP plus ng Pilipinas.

Aniya, dahil sa GSP plus, nasa 6,200 produktong pinoy ang nakakapasok sa European countries ng walang tax.


Apela naman ni Thomas Melia, dating US Deputy Assistant Secretary of State for Democracy and Human Rights, dapat ng matigil ang patayan sa bansa.

Binatikos rin nila ang mga hakbang ng administrasyong Duterte na patahimik ang mga kritiko.

Anila, ginagalang naman nila ang batas na umiiral sa bansa pero dapat galangin ng gobyerno ang karapatan ng bawat isa at mahinto ang pamamaraan ng pagpatay sa mga isinasangkot sa ilegal na droga.

Facebook Comments