Negosyante pinagbabaril dahil sa lupa

Maaring may kinalaman sa agawan sa lupa ang dahilan ng pamamaril patay kay Amalia Gutierrez, 58 anyos isang negosyante at residente ng RH 9 Cotabato City.

Ito ang isa sa mga pinakamalapit na anggulong lumalabas sa imbestigasyon ng City PNP ayon pa kay CD SSupt Rolly Octavio .

Kaugnay nito nagpapatuloy sa pagsisikap ang PNP kahit pa man walang niisang nais magsalita o sumaksi sa insidente, habang umaasa na lamang ang mga ito sa CCTV Footage para makilala ang may kagagawan ng pamamaril.


Alas 4:20 kahapon ng hapon ng pagbabarilin ng riding in tandem criminals si Gutierrez habang sakay ng kanyang SUV di lamang kalayuan sa kanyang tahanan. Tama sa ulo ang natamo ng biktima mula sa di pa natukoy na kalibre ng baril.

Facebook Comments