Manila, Philippines – Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice ang isang Information Technology (IT) solutions firm na hindi nagbayad ng buwis na aabot sa P200 milyon noong 2010.
Nahaharap sa kasong paglabag sa section 255 at 256 ng tax code ang mannasoft technology corporation at Pangulo nito na si Hans Dee, Treasurer Rosalinda Dee at Assistant Vice President for Finance Alma Fernandez.
Ayon sa IT solutions firm, ang Mannasoft ay isang “award-winning global developer” at provider ng it solutions.
Ilan sa expertise ng kompanya ang software development, at mobile application.
Facebook Comments