TAX | Malacañang, naniniwalang takot ang mga senador na aprubahan ang TRAIN-2 dahil sa nalalapit na eleksyon

Manila, Philippines – Naniniwala ang Malacañang na election season kaya at takot ang mga senador na mag-sponsor ng package 2 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN 2).

Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, naiindintihan ng palasyo ang mga senador lalo na ang mga re-electionist sa pangambang hindi manalo sa susunod na eleksyon.

Katwiran ni Roque, mali ang akala ng mga senador na magpapahirap sa taumbayan ang isinusulong na package 2 ng TRAIN law dahil layunin nitong maibaba ang corporate tax.


Tanging ang Pilipinas aniya ang may mataas na corporate tax kumpara sa mga kapitbahay na bansa sa Asya.

Matatandaang nakalusot na sa Kamara ang naturang panukala habang walang senador ang may gustong pumatol dito.

Facebook Comments