NBA | Houston Rockets coach, kumpiyansa sa magiging laro nila sa susunod na NBA season

NBA – Kumpiyansa si Houston Rockets Coach Mike D’antoni na mas magiging maganda ang kanilang magiging laro sa susunod na NBA season.

Ayon kay D’antoni, malaki ang kanyang tiwala sa kanyang koponan sa kabila na rin ng mga pagbabago ngayong offseason.

Nitong Hulyo nang pumirmang muli ng kontrata si Point Guard Chris Paul sa Houston at ang center na si Clint Capela na lumagda ng five-year deal.


Nawala naman sa kanilang team sina Trevor Ariza na lumipat sa Phoenix Suns at si Luc Mbah A Moute na tumawid sa Los Angeles Clippers.

Maliban kay forward James Ennis, inaasahang makukuha nila ang serbisyo ni Carmelo Anthony ng Atlanta Hawks.

Matatandaang nagtapos sa 65-17 record ang Rockets noong nakalipas na season kung saan umabanse pa ito sa Western Conference Finals.

Gayunman, hindi sila nagtagumpay na makalusot sa NBA back-to-back champions na Golden State Warriors.

Facebook Comments