TAX | Presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages, patuloy ang pagtaas

Manila, Philippines – Patuloy sa pagsipa ang presyo ng mga pagkain at non alcoholic beverages.

Dahil kasi ito sa paghataw ng inflation rate o yung bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo nitong Enero at dahil din sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Nabatid na pumalo ang inflation rate sa 4 percent kung saan mas mataas sa inaasahan ng ilang eksperto at nasa pinakamataas na antas sa forecast ng gobyerno.


Bukod sa mga ito, tumaas din ang presyo ng ilang produkto mula sa sektor ng agrikultura dahil sa sunod-sunod na bagyong tumama noong huling tatlong buwan ng 2017.

Pero ayon naman sa mga economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte, walang dapat ikabahala ang publiko dito dahil pasok pa rin naman ang naitalang inflation sa forecast range o naitakdang dalawa hanggang apat na porsyentong inflation target ngayong taon.

Facebook Comments