Aprubado na sa House Committee on Ways and Means ang “tax provisions” ng substitute bill para sa pagtatatag ng Virology Institute of the Philippines (VIP) sa bansa.
Kabilang sa amyenda sa tax provision ng panukala ay ang pagbibigay ng tax exemptions partikular sa donor’s tax para sa lahat ng donations, grants, gifts, endowments, legacies at contributions na matatanggap ng VIP.
Bukod dito, ibabawas din sa gross income ng donor ang anumang naibigay nitong donasyon o tulong sa institusyon.
Itatatag ang naturang Virology Research Institute sa bansa upang mapag-aralan ang detection at limitasyon sa pagkalat ng virus gayundin ang makalikha ng bakuna bilang long-term protection at gamot.
Makakatulong ang pagtatatag ng Virology Research Institute sakaling magkaroon muli ng pandemic sa hinaharap.
Ang VIP ay magsisilbing premier research at development institute sa field of virology na sakop lahat ng uri ng virus at viral diseases na matatagpuan sa mga tao, halaman, at mga hayop.