Tax reduction, makakatulong sa negatibong epekto sa Marawi

Manila, Philippines – Makakatulong umano sa sitwasyon ng Marawi at sa ekonomiya ng bansa ang tax reduction sa ilalim ng inaprubahang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) o House Bill 5636.

Ayon kay Buhay PL Rep. Lito Atienza, maka-counteract ng tax reduction ang anumang delays sa ekonomiya na dulot ng kaguluhan sa Marawi.

Paliwanag ng mambabatas, makakatulong ito sa ekonomiya dahil siyam sa sampung Pilipino ang tataas ang buying power lalo na ang mga sumasahod ng 250,000 kada taon dahil sa tax exemptions.


Nasa 20% aniya ang itataas ng buying power ng mga ordinaryong Pilipino kapag tuluyang naging batas ang TRAIN.

Sa ngayon aniya ay hiwalay na isinusulong sa Kamara ang pagpapababa naman ng income tax rates para higit na makatulong sa mga empleyado at mapataas ang ekonomiya ng bansa.

Nauna ng naipasa ang TRAIN bago ang sine die adjournment nitong May 31 habang inaasahang maipapasa ang tax reform bill sa Senado sa pagbubukas ng sesyon sa June 24.

Facebook Comments