Manila, Philippines – Hinikayat ni Ang Edukasyon PL Rep. Salvador Belaro ang mga kasamahang kongresista na agad aprubahan sa pagbabalik ng sesyon ang Comprehensive Tax Reform Program.
Inaasahan na sa buwan ng Hunyo ay pasado na sa Kamara ang tax reform program kasama na dito ang lowering of income tax kung saan ang mga kumikita ng 250,000 kada taon ay hindi na papatawan ng buwis at ang mga kumikita ng higit sa 250,000 pero hindi lalagpas ng 400,000 kada taon ay mas mababa naman ang buwis.
Marami aniya sa mga public school teachers sa buong bansa ang makikinabang sa lower personal income tax kabilang ang libu-libong mga guro sa state universities at colleges gayundin ang TESDA at CHED personnel.
Sa oras na maaprubahan ay agad na mararamdaman ang benepisyo dahil sa mas malalaki ang mate-take home pay ng mga empleyado.
Nangangahulugan din ang mas mataas na buying power ng mga ordinaryong manggagawa at may pagkakataon din na makapagipon para sa pamilya.