Manila, Philippines – Iimbestigahan ng Senado ang epekto ng Tax Reform For Acceleration and Inclusion (TRAIN) law sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship Chairperson, Koko Pimentel III – nararapat lang na magkaroon na ng pagdinig dahil na rin daing ng publiko sa mataas na presyo ng langis, produkto at serbisyo.
Gagawin aniya ang pagdinig sa plenary session break.
Nais ipatawag ni Pimentel ang Dept. of Trade and Industry (DTI) para alamin ang kanilang monitoring sa presyo ng basic goods sa market.
Facebook Comments