PUMALO | Bureau of Immigration, nakapagtala ng higit 3 milyong Chinese Nationals na pinayagang makapasok sa Pilipinas

Manila, Philippines – Higit tatlong milyong Chinese Nationals ang pinayagang makapasok sa Pilipinas mula noong 2016.

Sa datos mula sa Bureau of Immigration, mula January 2016 hanggang may 2018, nasa 3.12 million Chinese Citizens ang dumating sa bansa.

Mula sa nabanggit na bilang, 2.44 million ay galing sa Mainland China habang ang natitira ay galing Hongkong, Macau at Taiwan.


Base sa rekord naman ng Dept. of Tourism (DOT), tumaas ng 16% ang overall tourist arrivals sa pilipinas sa unang dalawang buwan ng 2018 katumbas ng 1.4 million kung saan nagkaroon ng 56% increase sa Chinese travelers.

Facebook Comments