Taxi driver na naningil ng sobra sa kanyang mga pasahero, trending sa social media

Manila, Philippines – Nag-viral sa social media ang isang abusadong taxi driver.

Batay sa video, hindi naka-metro ang taxi at idinaan lamang sa kontrata na ipinagbabawal sa batas.

Galing airport ang dalawang babaeng pasahero nakipagtalo ang mga ito sa driver dahil sa laki ng sinisingil.


Reklamo ng mga pasahero, umabot sa 2,100 pesos ang siningil sa kanila ng driver.

Depensa ng driver 300 pesos kada kilometro ang kanilang sinisingil sa mga pasaherong galing airport.

Sa huli, hindi binayaran ng mga pasahero ang driver at bumaba ng taxi.

Nabatid na usap-usapan ngayon sa social media ang mga banat at memes laban sa mga ordinaryong taxi bilang pagsuporta sa mga Transport Network Vehicle Services tulad ng Grab at Uber.

Facebook Comments