Baguio, Philippines – Hinihiling ng Taxi Drivers Association sa Baguio City ang maaring maging hakbang para magkaroon ng karagdagang seguridad ang mga taxi drivers na pumapasada sa iba’t ibang barangay lalo na sa gabi hanggang sa umaga.
Kasunod umano ito ng pagkakapatay sa isang taxi driver na pinukpok umano ng martilyo ng isang 18-year old na construction workerm Ayon kay Taxi Driver Association Cordillera president James Bolinao ay iniiwasan na nilang maulit ang nasabing insidente, dagdag pa niya ay kadalasang nagtatago ang mga kriminal sa mga madidilim na lugar.
Kaya naman hinihiling ng nasabing grupo ang isang ordinansa mula sa Konseho ng Baguio City na kung maari ay magkaroon ng mga checkpoints sa bawat barangay upang maiwasan ang kahit anong criminal activities.