Taxi drivers, nangakong pagagandahin ang kanilang serbisyo

Manila, Philippines – Nangako ang mga taxi drivers na aayusin na nila ang serbisyo.

Sa datos kasi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), mahigit 30,000 taxi ang nakarehistro pero 15,000 rito lamang ang bumibyahe.

Paliwanag ni Bong Suntay, President ng Philippine National Taxi Operators Association – nabawasan ang gustong magmaneho ng taxi dahil sa mababang kita, traffic, kompetisyon sa tnc’s at hindi pagtataas ng pasahe.


Dahil sa mungkahi ng LTFRB na itataas na ang kanilang pamasahe, tiniyak ng mga taxi operators na magle-level up ang kanilang serbisyo.

Maglalagay na rin sila ng app na magagamit ng mga pasahero pagsapit ng Nobyembre o Oktubre.

Facebook Comments