Nagsimula ng umikot sa lungsod ng Dagupan ang mga taxi na maaaring pumasada sa anumang destinasyon sa buong Rehiyon Uno.
Umabot sa dalawampung unit ng taxi ang umarangkada na nagsisimula ng alas sais ng umaga hanggang alas diyes ng gabi.
Ayon naman kay Roger Carrera, isa sa mga taxi driver sa lungsod ay hindi pa umano sanay ang mga tao sa taxi na pumapasada. Naniniwala siya na kalaunay makakasanayan na din ito ng mga commuters dahil sa convenience na maihahatid ng mga ito.
Matatandaan na nabanggit ni Myor Brian Lim na hindi na gagamitin ang common terminal sa kadahilanang malayo ito mismo sa business center at pahirap umano sa mga commuters.
Samantala, saad ni Director Mr. Nasrudin U. Talipasan, ng LTFRB Region 1 na dapat umanong isantabi ang ibang usapin at kailangang maserbisyuhan ang mga tao at commuters.
Sa ngayon ay may flag dow rate ang bawat taxi na 40 pesos at 13.50 bawat kilometrong madadagdag at dalawang piso kada minuto sa buong byahe.
Taxi sa Dagupan City umarangkada, 20 unit pwedeng arkilahin
Facebook Comments