SURVEY | Net satisfaction rating ng administrasyong Duterte, bumaba

Manila, Philippines – Bumaba ang net satisfaction rating ng administrasyong Duterte sa third quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).

Mula sa +58 noong Hunyo ay +50 na lamang ang net satisfaction na nasa klasipikasyon pa rin namang ‘very good’.

Sa survey na isinagawa noong September 15 hanggang 23, 65 percent ng mga Filipino ang nasisiyahan sa administrasyon, 19 percent ang hindi sigurado at 15 percent ang hindi nasisiyahan.


Bumaba din ang rating ng administrasyon sa lahat ng rehiyon ng bansa.

Sa Mindanao, mula sa excellent ay naging very good na lamang; mula sa very good sa balance Luzon at Visayas ay naging good na lamang; habang nanatili sa good sa Metro Manila bagaman bumaba rin ang bilang ng mga nasisiyahan.

Very good o higit sa +50 ang nakuha ng administrasyon sa limang isyu tulad ng imprastraktura, pagtulong sa mahihirap, rehabilitasyon ng Marawi City, pagprotekta sa karapatang pantao at paglaban sa terorismo.

Pero nakakuha lamang ng +8 ang administrasyon sa paglaban sa inflation o patuloy na pagsipa ng presyo ng mga bilihin.

Facebook Comments