Taylor Swift, nakiisa sa panawagang ibasura ang anti-terrorism bill sa Pinas

IG/@taylorswift

Nagpahayag ng suporta ang American singer-songwriter na si Taylor Swift sa panawagang ibasura ang kontrobersyal na anti-terror bill sa Pilipinas.

Sa Instagram story, ibinahagi ni Swift sa kanyang 133 million followers kung paano makatutulong sa mga kasalukuyang protesta tulad ng “Black Lives Matter” (BLM) movement, at “Junk Terror Bill”.

“When you’re done: Educate yourself. This doesn’t go away once the topic isn’t trending,” nakasaad sa ibinahagi niyang page.


Sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-terrorism bill na magpapahintulot sa awtoridad na hulihin nang walang warrant at ikulong nang 14 araw ang pinaghihinalaang indibidwal.

Bukod dito, magiging ligal na rin ang wiretapping, paniniktik o surveillance sa kahit sino o anumang grupong ituturong “terorista”.

Pinangangambahan ng mga tutol sa panukala na masagasaan nito ang malayang pagpapahayag at magamit laban sa mga kritiko ng administrasyon.

Facebook Comments