Taytay pulis naglinis ng ilog bilang tugon sa utos ni PDU30 na pagandahin ang Manila Bay

Nagtulong tulong ang mga pulis ng Taytay at mga residente para matanggal ang basura sa Ilog Pasig na sakop ng Taytay Rizal.

Kabilang sa mga nakuha sa ilog ang mga single used plastic, styrofoam, mga plastic ng noodles, lata diaper at water lily.

Ayon kay Taytay Police Chief Ltcol Lapeña, ang kanilang pag lilinis sa ilog ay tugon nila sa kagustohan ni Pangulong Rodrigo Duterte para malinis ang Manila Bay.


Konektado kasi ang ilog sa Taytay at ang Manila Bay kayat kung mapanatili nila itong malinis paniguradong may epekto ito sa Manila Bay.

Sinabi ni Ltcol. Lapeña na ilang beses na nila itong ginawa at patuloy pa nilang gagawin para makatulong sa rehabilasyon sa ilog pasig at Manila Bay.

Facebook Comments