Secretary Locsin, dapat pagtiwalaan sa usapin ng inihaing diplomatic protest laban sa China

49

Katulad ni Senate President Tito Sotto III ay hindi rin isyu kay Senator Richard Gordon kung ayaw isapubliko ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr ang diplomatic protest laban sa China.

Paliwanag ni Gordon, dapat pagtiwalaan si Locsin na siguradong gumaganap naman sa kanyang tungkulin para ipaglaban ang soberenya ng Pilipinas.

Ayon kay Gordon, ang paghahain ng gobyerno ng diplomatic protest ay nagpapakita ng tapang ng isang maliit na bansa laban sa pambu-bully ng isang malaking bansa.

Naniniwala si Gordon na isang malaking trahedya kung magsasawalang kibo ang ating pamahalaan at hindi maghahain ng diplomatic protest.

Facebook Comments