Taytay Rizal Government, nakapagtala ng panibagong pitong kaso ng COVID-19

Inihayag ng pamunuan ng Taytay Rizal Government na mayroong dalawang naitalang bagong kaso ng COVID-19 kahapon, July 12, 2020 sa kanilang bayan kung saan may kabuuang 165 na ang positibo ng nakamamatay na virus sa kanilang bayan.

Base sa ulat ng Taytay Municipal Epidemiology and Surveillance Unit (MESU), umaabot na sa 66 ang kabuuang nakarekober na o gumaling sa COVID-19.

Ayon kay Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula, sa kasalukuyan mayroong 83 na active cases na patuloy pa rin na binabantayan at tinututukan ng Local Government Unit (LGU).


Paliwanag ng alkalde, mula sa 83 na active cases, 56 na pasyente ang sumaliallim sa mahigpit na quarantine at 27 na pasyente naman ang admitted sa mga pagamutan.

Samantala, 183 naman ang suspected cases, zero ang probable at 16 na ang binawian ng buhay mula sa nakamamatay na virus.

Facebook Comments