TB CARAVAN, ILULUNSAD SA BAYAN NG QUIRINO, ISABELA

CAUAYAN CITY – Ilulunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Quirino, Isabela ang TB (Tuberculosis) Caravan ngayong araw, ika-11 ng Hunyo, taong kasalukuyan.

250 individuals ang mabebenipisyuhan sa naturang aktibidad.

Ilan sa mga serbisyong ipapaabot sa nasabing caravan ay libreng X-ray, Tuberculin Skin Testing, Sputum Collection, at Counselling para sa mga lalahok.


Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Mayor Edward D. Juan katuwang ang Department of Health – Cagayan Valley Center for Health Development (DOH-CVCHD) at United States Agency for International Development (USAID).

Layunin ng caravan na mabigyan ng kaalaman ang mga mamamayan sa sakit na tuberculosis (TB), gayundin na mamonitor kung mayroon bang mga apektado nito sa kanilang lugar upang mabigyan agad sila ng maaying medikasyon.

Gaganapin ang aktibidad sa Bagsakan Center, Quirino, Isabela.

Facebook Comments