Teachers Dignity Coalition, hinamon ang DepEd na tugunan ang problema ng mga guro

Hinamon ng grupong Teachers Dignity Coalition o TDC ang Department Of Education na hanapan ng solusyon ang mga problema ng kanilang mga guro ngayong pagbubukas ng klase.

 

Ayon sa TDC, hindi sapat ang P3, 500. 00 na traching allowance ng guro taon-taon kung saan inihirit nila na itaas ito sa P10,000.00.

 

Giit oa ng grupo na mas madalas daw kasi na nag-aabono ang mga guro lalo na’t kulang ang pasilidad at kagamitan nila sa paaralan.


 

Kulang pa din daw umano ang mga classroom kaya’t gumagawa ng paraan ang mga guro para matugunan o maturuan ng maayis ang mga estudyante sa pamamagitan din ng sarili nilang pera.

 

Paliwanag naman ng DepEd na taon-taon ay dumadami o tumataas ang populasyon ng mga mag-aaral kaya’t hindi maiiwasan na magkulang ang mga classroom sa bawat paaralan.

Facebook Comments