LNB President Victor Dy, Jr., Tiniyak ang Kahandaan ng mga Barangay sa Pagresponde sa Kriminalidad

Tiniyak ng tanggapan ng Liga ng mga Barangay sa Lungsod ng Cauayan ang kahandaan ng bawat komunidad hinggil sa ilang insidente gaya ng kriminalidad.

Kasabay ito ng pagpupulong ng mga Kapitan sa buong lungsod para imulat ang komunidad sa kahandaan sakaling may mangyaring insidente.

Sa panayam ng 98.5 Ifm Cauayan kay Ginoong Victor Dy, Jr, Liga ng mga Barangay President (LNB) sa nasabing lungsod, pagtitiyak anya base sa kanyang pagsusuri na handa ang bawat komunidad sa lungsod para matigil ang ilang insidente gaya ng kriminalidad lalo na dahil magiging bahagi ang lahat ng mga barangay sa isasagawang pagsasanay sa mga miyembro ng Barangay PeaceKeeping Action Team ng Cauayan City PNP.


Samantala, nagpaalala naman si Ginoong Dy sa mga komunidad na makipagtulungan upang masugpo ang iligal na droga sa lungsod.

Sinabi pa ni Dy na tutulong ang kanyang tanggapan para imulat ang ilang mga naligaw ng landas para sa ilang mga programa gaya ng Sports para sa mga Kabataan at Community Involvement.

Facebook Comments