Teachers Dignity Coalition, nababahala sa kakulangan ng silid aralan sa balik eskwela sa Lunes

Nababahala ang Teachers Dignity Coalition sa kakulangan sa silid-aralan ilang araw bago ang pasukan.

Ayon kay Benjo Basas pinuno ng grupo, tuloy-tuloy ang ulat na may natatanggap na kakulangan ang kanilang classrooms mula sa kanilang kasamahan na guro.

Hiling ng grupo na gawan ito ng paraan lalo’t sa Lunes na ang pasok ng mga estuyante.


Kabilang sa dahilan ng kakulangan ng silid-aralan ay pagdami ng mga nag-enroll sa mga pampublikong paaralan.

May ilan na kailangan na hatiin ang classroom tulad ng Batasan National High School yung iba sa basketball court na nag-kaklase habang may ilang guro na gumagawa ng temporary classrooms.

Samantala, yung ibang paaralan tatlong shift na kada classroom ang ginawa para lang magkasya ang dami ng estudyante.

Facebook Comments