Halos 1,000, alok na trabaho sa ikakasang mini job fair sa August 24 ng PESO Parañaque

83

Kinumpirma ng Parañaque Public Employment Services Offices na umaabot sa 925 na alok na trabaho sa kanilang ikakasang Mini Job Fair sa susunod na Miyerkules August 24, 2022.

Sabi ni PESO Manager Henry Leonardo, malaking tulong Ang iniaambag Ng DZXL Radyo Trabaho Team sa kanilang isinasagawang Mini Job Fair kung saan dinagsa ng maraming mga aplikante.

Matatandaan na una ng nagsagawa ng Mini Job Fair noong Agosto 9, kung saan umaabot sa 15 kumpanya ang nakiisa sa naturang program, 57 mga aplikante ang nagparehistro bawat kumpanya at 83 ang nagparehistro kung saan 15 ang on the spot na hired, habang noong Agosto 10 may 277 naman ang applicant registered, 707 applicants naman ang nagparehistro sa bawat kompanya at 103 na-hire on the spot sa isinagawang mini job fair.


Nagpaabot naman ng pasasalamat si PESO Manager Henry Leonardo sa DZXL Radyo Trabaho.

Facebook Comments