Team effort, isang mahalagang aspeto sa pagnenegosyo

51

Pinatunayan ng magkasintahang sina Harvey Ramos at Judith Villas, may-ari ng Food Cravings by H&J, na mas magandang bonding time ang pagnenegosyo.

Sa segment na Business as Usual sa Usapang Trabaho ng DZXL 558 Radyo Trabaho, ibinahagi ng ni Harvey at Judith na dinala sila ng hilig nila sa cakes at coffee sa pagsisimula ng negosyo.


Kwento ng magkasintahan, nagsimula lamang sila sa panonood sa mga sikat na YouTube food vlogger sa kung paano mag-bake ng mga simpleng yema cake hanggang sa natutunan na nila ang ang paggawa ng iba’t ibang flavors ng dessert.

Ayon pa kay Harvey at Judith, ginagamit nila ang strength and weakness ng bawat isa kaya unti-unti nilang naitataguyod ang kanilang negosyo.

Payo pa ng dalawa, bagama’t may mga panahong mahina ang benta, kailangan lamang magtiyaga at patuloy na magtiwala sa inyong mga business partner.

Facebook Comments