Team Isko Campaign Strategist: Doc Willie Ong ang tanging VP bet Ni Mayor Isko

Sa panayam ng ANC, sinabi ng campaign strategist ng Team Isko na si Lito Banayo na personal niyang desisyon na huwag isama si Dr. Willie Ong sa kanilang mga provincial sorties sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), lalo na sa Maguindanao kung saan idineklara ng mga Mangudadatus ang kanilang pambato ay sa tandem na Isko Moreno-Sara Duterte.

“That was my call. That was my decision. Kasi nga, whenever you make sorties or campaign trips, you send an advance team, normally, four or 5 days beforehand, even a week beforehand. They called me up and they said, ‘Boss, puro streamers dito, Isko-Sara,’ tarpaulins, puro Isko-Sara,” Sabi ni Banayo sa ANC interview.

Nitong Lunes, nanindigan si Manila Mayor Isko Moreno na ang kanyang kandidato para sa pagka-bise presidente ay si Doc Willie Ong, kahit na ilang lokal na pulitiko ang nag-endorso sa kanya ng ibang kandidato.


“He (Moreno) did not say he was supporting Sara at all. He didn’t say that at all. Pero doon kasi sa Maguindanao and Sultan Kudarat, wala rin naman silang sinabi, ‘yung mga speaker, ‘yung major power blocs, wala din naman silang sinabi na Isko-Sara,” dagdag ni Banayo.

Noong Linggo nasa BARMM si Moreno bilang espesyal na panauhin sa mass oath-taking ng may 50,000 miyembro ng United Bangsamoro Justice Party. Ang kanyang pampulitikang alyansa sa mga Mangudadatu ay nakikitang nagpapalakas ng kanyang bilang ng boto sa parte ng Mindanao.

Ang Maguindanao, na may populasyon na 766,497 ay ang pinakamataong lalawigan sa BARMM. Ang Sultan Kudarat naman ay mayroong 452,000 rehistradong botante.

Facebook Comments