BARMM chief minister, nakatanggap na ng 2 courtesy resignation mula sa kaniyang mga opisyal

Nasa dalawang courtesy resignation na ng mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang tinanggap ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ng opisyal na nasa lima naman ang muling naitalaga sa pwesto.

Habang ang iba ay sumasailalim pa sa assessment at evaluation process, maging ang hiring at rehiring ng ministers.


Sa mga susunod na linggo ay posible na aniyang maisapubliko ang pangalan ng mga ito.

Matatandaang bahagi ito ng proseso sa pagtatapos ng tatlong taong termino ng transition authority at para sa revamp na ipatutupad sa kanilang hanay.

Kasunod na rin ito ng ibinabang memorandum ng opisyal kaugnay sa pagsusumite ng courtesy resignation ng mga minister at deputy minister ng rehiyon, upang magkaroon na rin sila ng accurate assessment sa naging performance ng BARMM ministries.

Ayon kay Chief Minister Ebrahim, sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang ang lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa reappointment ng mga miyembro ng parliament.

Facebook Comments