Team LeBron at Team Durant, all set na para sa NBA All-Star Game

85

Kapwa nakapili na ang Team LeBron at Team Durant ng kanilang starters at reserves para sa National Basketball Association (NBA) All-Star Game.

Makakasama sa lineup ni LeBron James ang kanyang first overall pick na si Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo, Golden State Warriors star Stephen Curry, Luka Doncic ng Dallas Mavericks, at Denver Nuggets big man Nikola Jokic.


Habang sa koponan naman ni Kevin Durant, babandera ang teammate nito sa Nets na si Kyrie Irving, Joel Embiid ng Sixers, Kawhi Leonard ng Clippers, Bradley Beal ng Wizards at Jayson Tatum ng Celtics.

Para sa reserves, pinili ni James sina Damian Lillard, Ben Simmons, Chris Paul, Domantas Sabonis at Rudy Gobert.

Kinuha naman ni Durant si James Harden, Devin Booker, Zion Williamson, Zach LaVine, Julius Randle, Nikola Vucevic at Donovan Mitchell.

Gaganapin ang NBA All-Star Game sa March 7 o March 8 dito sa Pilipinas sa ganap na alas-9:00 ng umaga.



Facebook Comments