Team Pilipinas, mas lalong lumakas ang tsansa sa FIBA World Cup

236

Isang panalo na lang ang kailangan ng Team Pilipinas para makagisuro ng slot sa FIBA Wolrd Cup 2019 na gaganapin sa China.

Ito ay matapos nilang ilampaso ang Qatar sa naging laban nila kanina sa score na 84-46.

Dahil din sa panalo, nananatili sa ika-apat na pwesto ang Pilipinas sa Group F na may 6-5 win/loss record.

Nabatid na ang top-three teams at ang best fourth placer team naman ay siyang abante sa World Cup.

Susunod na makakalaban ng national team ang Kazakhstan sa February 24.

Facebook Comments