TECHNICAL GLITCH | Mas mahabang pila sa immigration, asahan ngayong pasko

Manila, Philippines – Asahan na ang mahabang pila sa immigration area ng mga paliparan ngayong pasko dahil sa isang technical glitch.

Pero itinanggi ni Bureau of Immigration Spokesperson Antonette Mangrobang – na may kakulangan sila sa immigration officers.

Sinisilip naman ni Labor Sec. Silvestre Bello, III ang ulat kung saan hindi kinikilala ng ilang tauhan ng BI ang bagong OFW ID o iDOLE card.


Minamandato aniya ang DFA, POEA, OWWA at BI na tanggapin ang mga OFW ID dahil lumagda sila sa kasunduan para sa implementasyon nito.

Pinag-iingat naman ang mga OFW sa mga website na: *bmonline.ph * at *idole.ph * dahil hindi ito konektado sa POEA.

At posibleng naka-access ang mga ito sa mga mahahalagang impormasyon ng mga OFW.

Una nang pinaalala ng POEA na ang official lamang nilang website ay: *www.poea.gov.ph .*

Facebook Comments