Technical Vocation at Training Development Council sa ASEAN Suportado ng pangulo, mga maliliit na negosyo sa rehiyon dapat palakasin

Nagpahayag ng suporta si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatayo ng ASEAN Technical and Vocational Education and Training Development Council.

Sa plenary intervention ni Pangulong Duterte sa ASEAN Summit ay sinabi nito na kung ang nais ng ASEAN region ay magkaroon ng inclusive, equitable at sustainable development ay dapat mag invest ang lahat ng mga bansang miyembro ng ASEAN sa kanilang mamamayan.

Ang Technichal Education ang Training Development Council aniya ay magbibigay ng sapat na kakayahan sa mga mamamayan ng ASEAN para makatulong sa paglago ng ekonomiya ng rehiyon.


Kinilala din naman ni Pangulog Duterte ang kahalagahan ng Mico, Small and Medium Enterprises o MSMEs na siyang haligi ng ekonomiya ng ASEAN Region.

Sinabi ni Pangulong Duterte na dapat ay tulungan ng ASEAN ang mga ito na gamitin ang buong potensyal ng digital technology upang maging mas malaki ang kanilang magiging kontribusyon sa global value chaim.

Kailangan din aniyang kilalanin ng lahat ang kapangyarihan ng MSMEs para mapalago ang ekonomiya at magbigay ng mas maraming trabaho sa buong rehiyon.

Facebook Comments