Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaking technician matapos huthutan ang isang negosyante kapalit ng hindi pag-a-upload ng maseselang video nito sa internet.
Matapos humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) ang biktima na itatago sa pangalang ‘bernardo’ dito na sila nagsawa ng operasyon at nahuli ang suspek na si Mark Lorenz Pascua.
Kwento ng biktima, kinuha ng suspek ang kanyang files kasama ang mga maseselang video nang ipagawa niya ang kanyang personal computer sa bahay.
Mula nang makuha ng suspek ang kanyang mga sensitibong files ay nanghihingi na ito sa biktima ng pera kada kinsenas at katapusan.
Ayon kay NBI Special Task Force Chief Head Agent Moises Tamayo – sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek.
Paalala naman ng NBI, huwag nang kunan ng video o litrato ang mga pribadong gawain para hindi ito gamitin ng mga may masasamang balak.