Nagbabala ang Commission on Population and Development (POPCOM) sa posibilidad na pagtaas ng bilang ng mga kabataang nabubuntis sa gitna ng ipinatutupad na quarantine dahil sa COVID-19.
Ayon kay POPCOM Executive Director Juan Perez, posibleng umakyat sa 21% ang teenage pregnancies sa bansa sa mga kabataang edad 15 hanggang 19.
Maituturing namang malaking porsyento ng mga kabataan ang mabubuntis paulit-ulit kung nakatira ang mga ito sa kanilang mga magulang.
Sa kabuuang bilang ng pamilya sa bansa, 166,000 ay mga batang ina na nasa edad 18 pababa.
Patuloy naman ang paghikayat ng POPCOM sa gobyerno na magturo ng comprehensive sexuality education para maiwasan ang maagang pagbubuntis sa mga kabataan.
Facebook Comments