TEENAGE PREGNANCIES SA ILOCOS REGION, BUMABA

Bumaba sa 3.6% ang bilang ng mga kabataan sa Ilocos Region ang nabubuntis ngayong taon kumpara sa dating 18% noong 2013, ayon sa Commission on Population Development Region 1.
Ito ang inihayag ni Mae Grace Ariola ang tagapagsalita ng POPCOM Region 1 sa naging Online Forum ng End Violence Against Women.
Aniya, kung dati ay nasa tatlo sa sampung kabataan ang nabubuntis, ngayon ay halos wala na. Ibig sabihin umano ay napababa ang bilang ng mga kabataan ang nabubuntis na isang magandang balita.

Matatandaan na tinukoy ng kagawaran na isa ang pandemya sa naging dahilan ng pagbaba ng teenage pregnancies sa bansa.
Sa huling datos na mayroon ang kagawaran, nasa 6, 858 na kabataan ang bilang ng teenage pregnancy sa rehiyon kung saan ang pinakabata dito ay edad 12.
Ang POPCOM Region 1, ay nagsasagawa ng capacity building intervention upang mapaigting ang pagsubaybay, pagbabantay at programang maiiwas ang mga kabataan sa maagang pagbubuntis. | ifmnews
Facebook Comments