Teenages pregnancy sa bansa, dumoble sa nakalipas na sampung taon ayon sa POPCOM

Dumoble ang bilang ng kabataan na edad labing lima pababa ang nagbubuntis sa nakalipas na sampung taon.

Sa interview ng RMN Manila kay Commission on Population and Development (POPCOM), Executive Director Juan Antonio Perez III, sinabi nito na umakyat sa 2,250 ang bilang ng kabataan na nasa 10 to 14 years old ang nagbubuntis noong 2018.

Dumoble aniya ito kumpara sa naitalang 1,000 teenages pregnancy noong 2007.


Lumalabas din aniya sa pag-aaral ng POPCOM na karamihan sa mga babae na ang edad ay nasa 10 to 15 year old na nabubuntis ay ang ka-partner ay mas matanda kaysa sa kanila.

Bunsod nito, sinabi ni Perez na suportado nila ang isinusulong na panukalang batas sa Kongreso na may kaugnayan sa staturory rape at sexuality education upang mapababa ang curb ng teenage pregnancies sa bansa.

Facebook Comments