TELCO INDUSTRY | 4 na banyagang kumpanya, nagpahayag ng pagnanais na maging 3rd telco player

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology o DICT na apat na dayuhang kumpanya ang kabilang sa mga nagnanais na maging third telecommunications player sa bansa.

Ayon kay DICT Secretary Eliseo Rio Jr., ito ay ang China Telecom Corporation, Telenor ng Norway, Mobitel ng Austria at Koreatel ng South Korea.

Ang naturang mga kumpanya aniya ay mas malaki sa mga kumpanyang SMART – PLDT at Globe na siyang may kontrol ng telekomunikasyon sa bansa.


Sabi ni Rio na sa Nobyembre 7 ay opisyal nang i-aanunsyo ng ahensya ang magiging ikatlong telco player sa bansa.

Kasabay nito, itinanggi ni Rio na sinadya nilang patagalin ang pagpili sa ikatlong player sa bansa.

Aniya, batid at pinag-aralan na ng mga prospective bidder ang mga panuntunan ng pamahalaan sa nakaapat na public forum partikular ang high level of service, financial at technical capability.

Facebook Comments