TELCO INDUSTRY | March deadline ng Pangulo sa 3rd player sa Telco, malabong makamit – Malacañang

Manila, Philippines – Inamin ng palasyo ng Malacañang na magiging mahirap para sa pamahalaan na makamit ang deadline na itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Information and Communication Technology o DICT na maibigay na ang kontrata sa tatayong 3rd player sa telecommunication industry sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sigurado namang maiindindihan at mapipilitan ang Pangulo na payagan ang extension ng deadline dahil may mga nangyaring events sa gobyerno kaya hindi makakamit ang ibinigay na March deadline sa DICT.

Samantala, nagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor sa katauhan ni Noel Felongco.


Si Felongco ang pumalit kay Terry Ridon na sinibak ni Pangulong Duterte dahil sa dami ng mga biyahe nito sa labas ng bansa.

Itinalaga din naman ni Pangulong Duterte bilang miyembro ng consultative committee to review the 1987 constitution si ginoong Ferdinand Bocobo, siya na ang ika-20 miyembro ng nasabing komite at 5 pang miyembro ang kailangan para mapuno ang 25 personalidad na mag-aaral sa Saligang Batas.

Facebook Comments