Manila, Philippines – Maaari nang ideklara ngayon ang Mislatel Consortium bilang third telco player sa bansa.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) acting Secretary Eliseo Rio Jr., wala nang hadlang sa kumpirmasyon ng 3rd telco player dahil hindi na iaapela ng Philippine Telegraph and Telephone Corp. (PT&T) at singson-led Sear Telecom ang kanilang disqualification sa National Telecommunications Communications (NTC).
Nabatid na imbes sa NTC ay iniakyat sa Korte Suprema ng PT&T ang kanilang apela matapos ma-disqualify sa selection process para sa 3rd telco.
Sinabi naman ni Rio na malaya ang PT&T na dumulog sa Korte Suprema.
Bunsod nito, tuloy na ang paglakad ng proseso kung saan magbibigay ng confirmation order sa Mislatel ang NTC en banc para sa pag-sasaayos ng kanilang mga dokumento, pagbuo ng organisasyon, pagkuha ng SEC approval sa organization, Philippine Competition Commission (PCC) at iba pang ahensya.
Mayroong 90-days ang Mislatel para makumpleto ang mga kinakailangang requirements.